Friday, May 3, 2024

Guidelines para sa COVID-19 vaccine trials sa PH inilabas na ng IATF

- Advertisement -

Inilabas na ang Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Disease (IATF) ang guidelines para sa COVID-19 vaccine trials sa bansa.

Ito ay matapos na aprubahan ng IATF ang Resolution No. 65 na nag aapruba naman sa rekomendasyon ng Sub-Technical Working Group Vaccine Development.

Nakasaad sa resolusyon na ang lahat ng aplikasyon ng clinical trials ay dapat na maisumite muna sa vaccine expert panel kung saan rereviewhin naman ito ng mga designated ethics board bago ipasa sa Food and Drug Administration (FDA) para sa panibagong review at approval.

Maglalabas rin anila ng zoning guidelines para sa clinical trials upang maiwasan ang kumpetisyon sa mga site.

Dapat rin anilang unahin ng gobyerno ang solidarity trials ng World Health Organization (WHO) kaysa sa independent trials ng bansa.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img