Friday, May 17, 2024

Umano’y iregularidad sa datos ng PhilHealth claims binusisi sa Kongreso

- Advertisement -

Sinisilip ni Marikina Representative Stella Quimbo ang mas mataas na Philhealth claims kaysa hospital admissions ng mga COVID-19 patients sa ilang rehiyon.

Lumalabas kasi sa datos na isinumite sa nagpapatuloy na pagdinig ng Kongreso na lagpas ng 100% ang claims ng ilang rehiyon gaya ng Region 4A na nasa 915 lamang ang hospital admissions ngunit ang total claims ay nasa 1,712.

Pero depensa naman ni Edwin Orinia ng PhilHealth Region 4A, na mula umano sa central office ang extraction ng datos at hindi sa regional offices.

Posible rin aniyang nasama sa na claim ang mga probable o suspected COVID-19 cases.

Samantala, umaasa naman si PhilHealth senior vice president Israel Pargas na magagabayan ang kanilang ahensya para sa pagbabago.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -