Saturday, May 4, 2024

Ginawang pag-atake ng NPA sa mga sundalo sa Rizal kinondena ng Malakanyang

- Advertisement -

Mariing kinondena ng Malakanyang ang ginawang pag-atake ng New People’s Army (NPA) sa mga sundalo sa barangay Puray, Rodriguez, Rizal noong Sabado Marso 28.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, isa itong pagtataksil sa idineklarang tigil putukan ng magkabilang panig kamakailan lamang sa kabila ng nararanasang krisis ng bansa dahil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Tiniyak naman ni Panelo na handa ang pamahalaan na rumesponde sa anomang pag-atake na gagawin ng rebeldeng grupo sa kabila ng pagdedeklara nito ng tigil putukan.

Magugunitang nasawi ang isang sundalo habang dalawa naman ang naitalang sugatan sa nangyaring pag atake.

Samantala, nalagasan rin ng tropa ng pamahalaan ng isa ang mga rebeldeng grupo.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img