Mahigit 300 na Pinoy crew members sa Italy dumating na sa bansa

0
15

Dumating na sa bansa ang 370 Filipino crew members mula sa tatlong cruise ship sa Italy, nakaraang Sabado Marso 28.

248 dito ay inilikas mula sa MV Costa Luminosa sa Milan habang ang 122 naman ay pawang mga Pilipino mula sa MV Grandiosa at MV Opera na nakadaong sa Rome.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), ang paglikas sa mahigit 300 Pilipino mula Italy ay hakbang para matiyak ng gobyerno na ligtas ang mga ito sa banta ng COVID-19.

Isinailalim naman ang mga ito sa medical check-up bago isakay sa eroplano pabalik ng bansa.

Sa ngayon isinalang narin ang mga naturang Pilipino sa mandatory 14-day facility based quarantine.