29.7 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

Toll fee ng mga medical frontliners sa NLEX, SLEX libre na

- Advertisement -

Libre na ang toll fee ng mga medical frontliners sa NLEX at SCTEX, habang umiiral ang enhanced quarantine sa Luzon.

Batay sa anunso ng NLEX Corporation, ang naturang hakbang ay para maipabatid nila ang kahalagahan ng dedikasyon ng mga health workers sa bansa na lumalaban sa coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Para magamit ang libreng toll, kailangan lamang ipakita ng mga health workers ang kani-kanilang PRC ID o mag-enroll ng free pass program para makakuha ng RFID sticker.

Sa mga nais mag-enroll, bukas ang NLEX Balintawak Customer Service Center mula Lunes hanggang Sabado 8:00 ng umaga hanggang 4:00 ng hapon.

Samantala, umaasa naman ang NLEX Corporation na sa pamamagitan ng naturang programa ay makatulong at maibalik sa mga itinuturing na bayani sakanilang paglaban sa COVID-19.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -