Thursday, December 12, 2024

General Santos: SBAC, OKs Na Sa Pagbayad Ng P22M Covid Hotel Bills

- Advertisement -

General Santos City – Pumayag na umano ang Special Bids and Awards Committee (SBAC) na kilalanin ang ₱ 22-million unpaid obligation ng city government sa mga hotels, inns at pension houses na ginamit bilang temporary Covid-19 isolation facilities.

Visit RPN DXDX General Santos

Sinabi ni Sangguniang Panlungsod Committee on Finance chair Councilor Bing Dinopol, na batay sa huling pag-uusap, gagawa na lamang ng isang resolusyon ang SBAC para bayaran ng city government ang naturang utang, kahit hindi dumaan sa proseso ng Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act ang pinasok na kontrata.

“Ang i-reason pud sa SBAC nga we are on abnormal times. Wala na gyud laing paagi (para mabayaran). Kay abnormal man gyud ang atong panahon, so, naay gyud mahitabo nga dili usa ma-follow nato ang proseso sa procurement o sa pag-bidding,” paglilinaw ni Dinopol.

Una nang inihayag ni City Legal Officer Atty. Armand Clarin na mayroon silang binabalangkas na proposed resolution na humihingi ng authority sa Sanggunian para mabayaran ang mga Covid hotels.

Pero ayon kay Dinopol, isinantabi na ng executive branch ang naturang remedyo, sa halip ay idadaan na lamang sa SBAC resolution ang pagbayad sa naturang mga utang.

“Ang SBAC maghimo na lang og resolusyon nga pabayran na ang mga hotels. For that reason, og naa nay resolusyon ang SBAC, ang executive na lang mangita unsaon pagbayad. Dili na kinahanglan og resolusyon sa Sanggunian nga authorizing the mayor.”

Una nang kunuwestyon ni City Councilor Franklin Gacal ang plano ng LGU na idaan sa simpleng resolusyon ng SP ang pagbayad sa utang, kahit hindi dumaan sa proseso ng procurement law.

“Ang pangutana dinha, will that resolution cure everything? Para sa ako, delusional thinking. Niloloko ni (Atty. Armand) Clarin, niloko ng mga administration councilors ang sarili nila kung naniniwala sila, na ‘yong mere resolution authorizing the city mayor will cure the non-compliance with the procurement law,” giit pa ni Gacal.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -