Monday, May 6, 2024

General Santos: Proposed Reso Sa P22M Covid Hotel Bills, Hihimayin – Dinopol

- Advertisement -

General Santos City – Pag-aaralan umano ng Sangguniang Panlungsod ang plano ng city chief executive na humingi ng “authority” sa mga konsehal para bayaran ang ₱ 22-million unpaid obligations sa mga accommodation establishments na ginamit bilang Covid-19 isolation at quarantine facilities.

Visit RPN DXDX General Santos

Sinabi ni SP Committee on Finance chairperson Councilor Bing Dinopol na kailangan ang mabusising pag-aaral partikular sa “legality” ng naturang plano, para matiyak na hindi sasabit silang mga konsehal.

Una nang inamin ni City Legal Officer Atty. Armand Clarin na hindi sumunod sa mga alituntunin ng Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act ang pagpasok ng LGU ng kontrata sa pagitan ng nabanggit na mga accommodation establishments.

Sinabi rin ni Clarin na kanila nang binabalangkas ang isang proposed resolution na iindorso sa mga konsehal ngayong linggo at ng matalakay sa susunod na regular session ng SP.

“Ang ginagawas karon nga paagi, kay maluoy pud ta sa mga hotels, kana na lang sigurong ordinance authorizing the city mayor to pay kining mga hotels. Pero ambot unsa ang legality ana. Depende pa na sa Sanggunian kung ma-approve na, basin ma-apil pa ang Sanggunian basin diay illegal na,” ayon kay Dinopol.

Tiniyak naman ni Dinopol na nakahanda ang Sanggunian na tulungan ang pamahalaang lungsod para mabayaran ang naturang obligasyon.

“Luoy pud intawon kining mga hotels kay nag-serbisyo baya na sila.”

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img