General Santos City – Tiyak umanong mamanahin ng susunod na mga opisyal ng lungsod ang mga unpaid obligations ng Rivera administration, sakaling hindi nito mabayaran ang kinuhang hotels, inns at pension houses na ginamit bilang Covid-19 isolation at quarantine facilities.
Naniniwala rin si City Councilor Jose Edmar Yumang na mayroong negatibong epekto sa imahe ng lungsod at tiwala ng mga investors ang nangyaring aberya sa pagbabayad ng LGU nang mahigit ₱ 22-million na obligasyon nito.
“That will be a bad image for the city of General Santos… Public official may come and go after the term, the new leadership will always comply with the obligation duly entered into.. Hindi naman puwede i-negate mo. Otherwise, wala nang papasok na mga investors,” ani Atty. Yumang.
Una nang inihayag mismo ni City Legal Officer Atty. Armand Clarin, na malabo sa ngayon na mabayaran ng lungsod ang multi-million peso na unpaid obligation dahil hindi sumunod sa mga alituntunin ng Republic Act 9184 o Government Procurement Reform Act ang pagpasok ng LGU ng kontrata.
Pero sa panig ni Yumang, inirekomenda nito sa Office of the City Mayor na bayaran na lamang ang utang at paghandaan ang posibleng kakaharaping kaso sa Office of the Ombudsman.
“If I am the mayor, I will pay it. Because there is already a order coming from the SBAC.. We will take the risk going to the Ombudsman. Ang lahat naman ng payment na-perform na naibigay na sa tao.”
Base sa actual billing, mula January hanggang June ay mayroong utang ang city government na ₱ 12,787,407 at mula July hangang September, umaabot sa ₱ 9,699,900 ang dapat pang bayaran ng lungsod.
Para sa taong 2020, mayroon pang balanse na mahigit ₱ 300,000 ang LGU.