Matagumpay ang isinagawang Drug Buy- Bust Operation ng mga tauhan ng Zamboanga City Police Station 4 kasama ang mga tauhan ng RMFB9, 1st ZCMFC, CDEU, CIU, PDEA9, 904th, at NISG-WM sa Zone 6, Barangay Talabaan Zamboanga City noong Sabado ng Hapon Hunyo 13, 2026.
Kinilala ang mga suspek na sina Madum Gani y Esmael a k.a “Mad” 54 years old may asawa isang minero residente ng Barangay Tikpalay, Tungawan Zamboanga Sibugay, Salim Asalal y Manuel a.k.a “Sal” 70 years old Binata isang Freelances residente ng Barangay 177 Camarin, Caloocan City, at ang panghuli ay si Nikko Nombres y Barnes a.k.a “Nik” 34 years old Binata isang negosyante at residente ng Barangay Vista Alegre Purok Araw, Bacolod City.
Kinumpiska mula sa kanila ang mga sumusunod: 2 pieces of Vacum-Sealed transparent plastic sachets ng hinihinalang shabu na may timbang na higit kumulang na nasa dalawang kilo, at may standard drug price na nasa 13, 600,000.00 pesos, Two bills of 500.00 pesos na marked money, Nine (9) bundle of rubber bond boodle money, Isang Violet na Huawei Cell Phone, Isang Beige super Cell Phone, Isang Stripe Violet at Green paper bag, at ang panghuli Isang Black Sling Bag.
Ang mga nasamsam na hinihinalang droga ay dinala na sa ZCFU9 para sa Examination habang ang tatlong suspek ay nasa selda na ng Zamboanga City Police Station 4. Source: (ZCPS4) (ALgie Rojas)
