Friday, May 17, 2024

Extension ng wiretapping period suportado ng DOJ

- Advertisement -

Suportado ng DOJ o Department of Justice ang extension ng wiretapping period ng hanggang 90 araw bilang bahagi ng gagawing pag amyenda sa Human Security Act of 2007.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang terorismo ay seryosong banta sa seguridad at kaligtasan ng buong bansa.

Kaya naman kung kailangan aniya na bigyan ng mas mahabang oras ang mga otoridad para matukoy kung ang isang indibwal ay may kinalaman sa terrorist activities ay pabor siya dito.

Una nang tinukoy ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na irerekomenda ng cabinet cluster on security ang pag amyenda sa naturang batas para mapalawak ang kapangyarihan ng mga government enforcement ageny para sa wiretapping.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -