Ex- DENR chief Gina Lopez pumanaw na

0
41

Pumanaw na si dating environment secretary Gina Lopez sa edad na 65.

Tinukoy ng pamilya na binawian ng buhay si Lopez matapos ang kanyang pakikipaglaban sa sakit na brain cancer.

Si Lopez ay masugid na tagapagtanggol ng kalikasan at karapatan ng mga bata.

Kabilang sa mga itinaguyod ni Lopez ang rehabilitasyon ng Pasig River, La Mesa Watershed at ang pagpapasara ng ilang abusadong mining companies.