Sunday, May 5, 2024

Duterte nagbabalang ite-take over ng gobyerno ang operasyon sa suplay ng tubig sa Metro Manila

- Advertisement -

Ibinabala ni Pangulong Rodrigo Duterte na ite-take over ng gobyerno ang operasyon ng distribusyon ng suplay ng tubig sa Metro Manila.

Ito ang muling iginiit ng pangulo sa kanyang talumpati sa oath-taking ng mga bagong tauhan ng Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology at Phil. Coast Guard, kagabi.

Ayon kay Pangulong Duterte, nais niyang makaharap ang mga bumalangkas at lahat ng responsable sa kontrata ng Maynilad at Manila Water sa pamahalaan.

Aniya, sa oras na hindi siya makuntento sa paliwanag ng mga ito ay handa siya na kunin at ipa-take over sa pamahalaan ang water distribution suplay.

Una rito, sinabi ni Presidential Spokesman Salvador Panelo na may kapangyarihan ang pamahalaan na pangasiwaan ang operasyon ng public utilities lalo na sa kung nakataya ang kapakanan ng publiko.

‘’Pag hindi ako na-satisfy, I will expropriate everything. Kunin ko lahat. Magdemanda ka ng magdemanda, tutal 2 taon lang naman tapos wala na yan,’’ ani Pangulong Duterte.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img