Wednesday, May 8, 2024

Duterte hinimok ang mga Pinoy na palakasin ang mga local tourist destinations

- Advertisement -

Hinihimok ni Pangulong Rodrigo Duterte ang publiko na pasyalan ang local tourist destinations upang mapalakas ang ekonomiya ng bansa.

Sa ika-limang State of the Nation Address (SONA) ng pangulo kahapon, inihayag nito na maaari nang puntahan ang mga lokal na pasyalan oras na makapaglatag na ng mga kinakailangang sistema.

Aniya, makaaasa ang sektor ng turismo na bibigyan ito ng buong suporta ng pamahalaan.

Dagdag pa nito na gagawing ‘harmonize’ ng national government agencies at local government units (LGUs) ang kanilang mga polisiya upang mapalakas pa ang turismo sa bansa.

Samantala, matatandaang bumagsak ng P79.8-bilyon ang revenue ng foreign arrivals mula Enero hanggang Marso kumpara sa P134.3-bilyon noong nakaraang taon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img