Special training programs para sa mga OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa COVID-19 ipinag-utos ni Duterte

0
14

Inatasan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Technical Education Skills and Development Authority (TESDA) na isailalim sa special training programs ang mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na nawalan ng trabaho dahil sa pandemyang coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Sinabi ni Pangulong Duterte sa kanyang ika-limang State of the Nation Address (SONA) kahapon na mayroong alok ang TESDA na 71 libreng online training para sa mga OFWs.

Samantala, umaasa naman ang pangulo na makatutulong ito upang makahanap ang mga OFWs ng bagong oportunidad sa bansa.