Sunday, May 5, 2024

Duque posibleng maharap sa higit 600 kaso kaugnay sa katiwalian sa PhilHealth

- Advertisement -

Tinatayang nasa mahigit 600 ang kaso na kakaharapin ni Health Secretary Francisco Duque III kaugnay sa anomalya sa PhilHealth.

Ayon kay Senate President Vicente Sotto III, aabot sa 632 ang kasong negligence ang kakaharapin ni Duque batay sa article 217 ng revised penal code hinggil sa ma-anomalyang pagpapalabas ng mahigit P14.8-bilyong pondo ng PhilHealth.

Aniya, hindi maaaring gamiting dahilan ni Duque na wala itong pinirmahan na dokumento hinggil sa pagpapalabas ng pondo gayung siya ang chairman ng PhilHealth board.

Giit pa ni Sotto na batid ni Duque ang galawan sa ahensya kung kaya’t tiyak na mahaharap ito sa kasong kapabayaan.

Samantala, umaasa naman si Sotto na walang maaalis na probisyon sa committee report ng senate committee of the whole na nagrerekomenda sa pagsasampa ng kasong kriminal at administratibo kina Duque, at dating PhilHealth President at CEO Ricardo Morales at ilan pang opisyal at empleyado ng PhilHealth na sangkot sa anomalya.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img