Sunday, May 5, 2024

DOLE may paalala sa mga organizer, volunteers ng 30th SEA Games

- Advertisement -

Pinaalalahanan ng Department of Labor and Employment (DOLE) ang organizer at mga volunteers ng 30th Southeast Asian (SEA) Games.

Ayon kay Labor Undersecretary Ana Dione, ang mga volunteers ay hindi regular na empleyado dahil sila ay boluntaryo at kusang tumutulong sa mga aktibidad gaya na lamang ng SEA Games.

Gayunman, bagamat hindi aniya maituturing ang mga volunteers na manggagawang pinapa-suweldo ay may mga obligasyon pa rin naman ang mga organizers sa mga volunteers.

Sinabi ni Dione, dapat pa ring pagkalooban ng mga organizers ang mga volunteers ng allowance, pamasahe at pagkain kapalit ng kanilang serbisyo.

Sakali man aniya na may mangyari sa mga volunteer na hindi inaasahan ay dapat sagutin ng organizers ang gastos para sa mga ito.

Nabatid naman na nasa 9,000 ang accredited na volunteers para sa 30th SEA Games.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img