Kaligtasan ng construction workers sa sports venue ng SEA Games pinatitiyak —labor group

0
15

Umapela ang Defend Job Philippines sa Philippine Southeast Asian Games Organizing Committee (PHISGOC) na tiyakin ang kaligtasan ng mga construction workers sa mga inaayos na sports venue.

Ito ay kaugnay ng nangyaring insidente kahapon sa Rizal Memorial Stadium kung saan sugatan ang isang construction worker matapos nitong mahulog mula sa scaffolding.

Ayon sa grupo, batid nila ipinamamadali na ng SEA Games organizing committee ang pagkukumpuni sa mga sports venue ngunit dapat pa rin nilang isaalang-alang ang kaligtasan ng mga manggagawa.

Anila, kitang-kita kasi ang kawalan ng safety gears at personal protective equipment ng mga construction workers sa mga isinasaayos na venue para sa SEA Games.

Maliban pa dito, marami din umano sa mga manggagawa ang kulang sa tulog dahil kailangan ng mga ito na magtrabaho ng 24-oras para mabilis na matapos ang sports venue.

Kasabay nito, pinasisilip din ng grupo sa Department of labor and Employment (DOLE) ang kalagayan ng mga nasabing construction workers.