32 C
Manila
Thursday, April 25, 2024

SEA Games athletes hindi ‘exempted’ sa vape ban —PNP

- Advertisement -

Pinaalalahanan ng Philippine National Police (PNP) na hindi ligtas ang mga atleta ng 30th Southeast Asian (SEA) Games sa ipinatutupad na vape ban.

Ayon kay PNP Spokesman Brig. Gen. Bernard Banac, huhulihin nila ang lahat ng mga atleta na mamamataang gumagamit ng vape o electric cigarettes.

Babala ni Banac, dadalhin nila sa presinto ang mga manlalaro para mai-blotter na maaring makaabala sa kanilang partisipasyon sa SEA Games.

Giit ni Banac, mabuti na aniya na alam ng mga delegado ang mga umiiral na batas sa bansa.

Matatandaang umakyat na sa 243 ang kabuuan ng nahuli sa paggamit ng vape at nasa 318 namang vape gadgets ang mga nakumpiska.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -