Wednesday, May 8, 2024

DOLE hihigpitan ang monitor sa operasyon ng POGO sa bansa

- Advertisement -

Mas hihigpitan pa ng Dept. of Labor and Employment (DOLE) ang pagmomonitor sa operasyon ng Phil. Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa.

Ito ang tiniyak ni Labor Sec. Silvestre Bello III, kung saan sinabi na nasa 500 labor law compliance offices ang idinagdag ng DOLE upang bantayan ang mga POGO operation areas.

Aniya, nais nilang matiyak na lahat ng POGO workers sa bansa ay may kaukulang dokumento gaya na lamang ng alien employment permit.

Kaugnay nito, nilinaw rin naman ni Bello na hindi sila mag-iisyu ng permit sa dayuhang manggagawa kung ang trabaho nito ay maari at kayang gawin ng mga Pilipino.

Dagdag pa ni Bello, sisiguraduhin din ng DOLE na lahat ng POGO workes sa bansa ay mayroong Tax Identification Number (TIN) upang matiyak na nagbabayad ito ng kaukulang buwis.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img