29 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

Panelo minaliit lamang ang paratang ni Lacson sa kanya

- Advertisement -

Minaliit lamang ni Presidential Spokesman Salvador Panelo ang paratang ni Sen. Panfilo ‘Ping’ Lacson na siya ay tagapag salita ng China.

Ito ay matapos batikusin ni Lacson ang tila pag depensa ni Panelo sa China, kung saan kinuwestiyon nito si Panelo kung siya ba ay “spokesman” ng Chinese embassy.

Dagdag pa ng senador, hindi dapat si Panelo ang nagpapaliwanag para sa China dahil trabaho ng Chinese ambassador na magsalita sa mga isyu, at kung ano ang posisyon ng kanilang bansa.

Ayon kay Panelo, walang katotohanan na nagsasalita siya sa ngalan ng Chinese embassy dahil hindi naman masama kung mayroon siyang komunikasyon kay Chinese ambassador Zhao Jinhua.

Aniya, nais lamang niyang maging transparent kaya’t ibinahagi niya ang text message na ipinadala sa kaniya ni ambassador Zhao.

Una rito, sinabi mismo ni Panelo na ipinabatid sa kaniya ni Zhao na posibleng nang-i-ispiya lamang ang mga OFW’s sa China.

Ito ay kaugnay ng pahayag ni Defense Sec. Delfin Lorenzana na maaring magamit sa pang i-ispiya ang mga POGO hubs na itatayo malapit sa mga kampo militar.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -