Malacañang hindi mamasamain ang pagtatayo ng POGO hubs malapit sa mga kampo militar

0
43

Hindi mamasamain ng Malacañang ang pagtatayo ng Phil. Offshore Gaming Operations hubs (POGO) ng China malapit sa mga kampo militar.

Ito ang binigyang diin ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, kung saan sinabi nito na wala namang masama kung ilalagay ang mga naturang POGO hubs malapit sa mga kampo militar.

Aniya, hindi rin ito tutulan ng palasyo lalo na’t kung ito naman ang makabubuti sa mga POGO workers.

Kasabay nito, sinabi rin naman ni Panelo na hinihintay na lamang ng Malacañang ang posisyon ng Phil. Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) kaugnay sa panukalang ilagay sa isang hub ang mga POGO workers.

Gayunman, sinabi rin ni Panelo na dapat walang malabag na batas ang mga POGO workers at hindi rin dapat maisa-alang alang ang kalayaan ng mga ito.