Thursday, May 9, 2024

DOH: COVID-19 case sa bansa pumalo na sa 3,660

- Advertisement -

Nadagdagan pa ng 414 ang kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa Pilipinas.

Batay sa pinakahuling ulat Department of Health (DOH), nasa kabuuang 3,660 na ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.

Gayunman, nadagdagan din naman ang bilang ng mga nasawi dahil sa COVID-19 kung saan sumampa na ito sa 163, habang nasa 73 na naman ang bilang ng mga nakarekober sa sakit.

Sa ngayon nasa sampung laboratoryo na sa buong bansa ang sinertipikahan ng DOH na maaring magsagawa ng COVID-19 testing.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img