29.5 C
Manila
Saturday, April 27, 2024

DSWD nagbabala sa mga LGU’s na namimili ng mga residente sa pagbigay ng ayuda

- Advertisement -

Nagbabala ang Deptartment of Social Welfare and Development (DSWD) laban sa mga lokal na pamahalaan na mamimili lamang ng mga residenteng bibigyan ng ayuda sa ilalim ng pondong inilaan ng pamahalaan para sa mga na-apektuhan ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay DSWD Sec. Rolando Bautista, dapat na maging patas at responsable ang mga lgus sa pamamahagi ng ayuda lalo’t inaasahan ito ng milyun-milyong pamilyang Pilipino.

Sinabi ni Bautista, malaki ang papel ng LGU’s sa pamamahagi ng ayuda lalo na’t sila ang mas nakaka-alam kung sino talaga ang mga kuwalipikadong benipisyaryo para sa emergency subsidy aid na inilaan ng gobyerno.

Ayon pa sa kalihim, hindi dapat mamili ang mga LGU’s ng mga residenteng makatatanggap dahil hindi naman aniya ito palakasan, at dapat na walang papaboran ang mga lokal na pamahalaan.

Abala ni Bautista, mahaharap sa parusa ang mga lokal na opisyal na mapatutunayang namimili ng mga residenteng bibigyan ng ayuda.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -