Saturday, May 11, 2024

DFA nakikipag-ugnayan na hinggil sa 2 Pinay na nasawi sa Singapore

- Advertisement -

Nakikipag-ugnayan na ang Department of Foreign Affairs (DFA) sa mga awtoridad sa Singapore para maibalik sa Pilipinas ang labi ng dalawang Pilipinang nasawi sa aksidente sa kalsada sa nabanggit na bansa.

Ayon sa DFA, nakahanda silang bigyan ng kinakailangang ayuda ang mga biktima sa aksidente.

Kasabay nito, nagpaabot na rin ng pakikiramay ang DFA sa naiwang pamilya ng dalawang nasawing Pinay.

Batay sa natanggap na report ng DFA mula sa Philippine Embassy sa Singapore, dalawa pang kasamahan ng mga nasawi ang kasalukuyang nasa intensive care unit (ICU).

Habang stable na ang kondisyon ng dalawa pang Pilipinang sugatan din sa insidente.

Una nang napaulat ang pagkamatay ng dalawang babaeng Pilipina at pagkasugat ng apat na iba pa matapos mawalan ng kontrol ang kanilang sinasakyan at sumalpok sa Lucky Plaza Mall sa Singapore, kahapon, Linggo, ika-29 ng Disyembre.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -