30.3 C
Manila
Sunday, April 28, 2024

US ban sa mga nagpakulong kay De Lima walang magiging epekto sa Pinas —Pimentel

- Advertisement -

Naniniwala si Senador Koko Pimentel na walang magiging epekto sa Pilipinas ang naipasang probisyon ng Amerika na nagbabawal sa kanilang bansa ng mga opisyal na sinasabing nasa likod ng pagpapakulong kay Senadora Leila De Lima.

Ayon kay Pimentel, may sariling proseso at sinusunod na batas ang Pilipinas kung saan tanging ang korte lamang sa bansa ang may kapangyarihan sa isang akusado sa kaso.

Dagdag ni Pimentel, maituturing ding pakikialam sa soberenya kung ang dahilan ng pagpapasa ng U.S. sa nabanggit na probisyon ay para ipressure ang pamahalaan ng Pilipinas hinggil sa kaso ni De Lima.

Kaugnay nito, sinabi ni Pimentel na wala na ring magiging saysay kung maghahain pa ng diplomatic protest ang Pilipinas laban sa Amerika dahil sa usapin.

Aniya, hindi uusad ang protesta dahil desisyon ng mga mambabatas sa Amerika ang kanilang ipinasang probisyon at nakatitiyak siyang hindi naman nila ito babaguhin.

Iginiit naman ni Pimentel na karapatan ng isang bansa ang pagpapasiya kung sino ang papapayagan at pagbabawalang pumasok sa kanilang teritoryo na tulad ng maaaring maging pasiya ng Pilipinas na huwag papasukin ang dalawang U.S. senator na may-akda ng pagbaban.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -