- Advertisement -
Aminado ang Department of Education (DepEd) na hindi sapat ang computer ng ahensya para sa 22 milyong mag-aaral sa buong bansa.
Ayon kay Education Undersecretary Alain Pascua, hindi kaya ng DepEd na tugunan ang lahat ng pangangailangan sa kagamitan ng lahat ng estudyante.
Ani Pascua, kung 1 is to 1 ang kailangang equipment sa bata, kulang na kulang ito sa 1-M computer lamang na meron ang ahensya.
Una rito sinabi ng DepEd na pansamantalang gagamitin ang online platforms para sa pag-aaral ng mga estudyante dahil sa banta ng COVID-19.
- Advertisement -