737 na mga hotel sa bansa magsisilbing accommodation para sa mga repatriated OFW — DOT

0
12

Aabot sa 50,000 kwarto mula sa iba’t-ibang accommodation establishments sa bansa ang tinukoy ng Department of Tourism (DOT) na maaaring gawing quarantine facility para sa mga magsisi-uwing OFW sa bansa.

Dumaan sa screening ng DOT ang nasa 737 hotel sa buong bansa.

Sa kabuuan ay mayroon itong 44,871 na kwartong ilalaan para sa mga repatriated OFW.

Gayunman hindi pa tinukoy ng ahensya kung saan-saan ang mga hotel na ito sa bansa.

Una rito, sinabi ni chief implementer of the government’s COVID-19 response Sec. Carlito Galvez Jr. na aabot sa mahigit 42,000 na OFW ang inaasahang magbabalik bansa ngayong buwan hanggang Hunyo.