Wednesday, May 8, 2024

Dengue cases sa bansa pumalo na sa 10,000 — DOH

- Advertisement -

Pumalo na sa 10,000 ang bilang ng kaso ng dengue sa buong bansa, sa nakalipas lamang na isang linggo.

Ito ay batay sa tala ng Department of Health (DOH) kung saan 25% itong mas mataas kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

Nakasaad din sa naturang datos na sa naturang bilang ng kaso ng dengue, 37 dito ang nasawi.

Sa datos ng epidemiology bureau ng DOH, mula January 1 hanggang September 14 ay nakapagtala na ng 300,000 kaso ng dengue sa buong bansa kung saan nasa 1,200 na ang nasawi.

Sa bilang na ito, pinakamataas ang naitalang kaso sa CALABARZON na sinundan naman ng Western Visayas, Metro Manila at Central Luzon.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img