Dormitorio pinilit na halikan ang 2 kapwa cadets — witness

0
14

Ibinunyag sa sinumpaang salaysay ng mga saksi sa pambubugbog na sinapit ni Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio sa loob ng Philippine Military Academy (PMA), ay inutusan pa umano itong halikan ang kanyang dalawang kapwa kadete.

Ipinaliwanag sa sinumpaang salaysay na, ito ay iniutos para matigil ang pangunguryente ni Cadet Third Class Julius Carlo Tadena sa maselang bahagi ni Dormitorio.

Dagdag pa sa salaysay ng saksi, nagsasabi pa ng malalaswa si Tadena at maging siya’y inutusan halikan si Dormitorio bago nito makita ang pagbubugbog ni Cadet Third Class Rey David John Volante Kay Darwin.

Samantala, muling hiniling ng Pamilya Dormitotio na maparusahan ang lahat ng may kinalaman sa pagkamatay ng kanilang anak.