Friday, May 17, 2024

Dela Rosa nababagabag sa tuluyang pagkansela ng VFA

- Advertisement -

Aminado si Senador Ronald “Bato” Dela Rosa na nababagabag ang kaniyang kalooban matapos tuluyang kanselahin ng pamahalaan ang visiting forces agreement (VFA) sa Estados Unidos.

Sinasabi kasing ang kanselasyon ng visa ni Dela Rosa ang nag-udyok kay Pangulong Rodrigo Duterte para tapusin ang VFA.

Ayon kay Dela Rosa, sa malamang ay siya ang sinisisi ng ibang mga tao lalo na sa mga hindi naiintindihan ang sitwasyon.

Gayunman, iginiit ng senador na isa lamang sa maraming dahilan ang kaniyang kaso kung bakit ibinasura ng pangulo ang nasabing kasunduan.

Kasabay nito, inamin ni Dela Rosa na kawalan din sa Pilipinas ang pagbasura sa VFA partikular aniya sa pagbibigay ng intelligence information.

Ngunit mas maigi na umano ang nangyari dahil tiyak na wala nang dayuhang mangingialam sa pagpapatakbo ng mga Pilipino.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -