Friday, May 17, 2024

Death penalty hindi dapat ibalik dahil sa isyu ng mga tiwaling pulis — Atienza

- Advertisement -

Hindi dapat ibalik ang death penalty dahil sa mga tiwaling pulis.

Ito ang iminungkahi ni Buhay Party-List Representative Lito Atienza, matapos masangkot ang maraming pulis sa mga iligal at kriminal na aktibidad sa bansa.

Ayon kay Atienza, maaaring gamitin ng mga tiwaling pulis ang death penalty bilang panakot at makahingi ng malaking halagang pera sa kanilang mga biktima.

Aniya, ang mga iligal na aktibidad ng mga pasaway na pulis ay maaaring mas maging vulnerable ang publiko sa extortion at drug evidence-planting.

Naniniwala ang mambabatas na posibleng abusuhin ang parusang kamatayan ng mga tiwaling opisyal ng pulis.

Matatandaang, muling isinusulong sa kongreso ang death penalty para maparusahan ang magkakasala na may kinalaman sa plunder, kidnapping, panggagahasa maging ang mga lalabag sa batas kaugnay sa iligal na droga.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -