Davao: Radio commentator, patay

0
0

Isang Radio Commentator na nakabase sa Mabinay ang napatay matapos ginilitan sa leeg, kahapon ng gabi, Setyembre 18 sa Barangay Himocdongan.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ng Mabinay Police ang biktima na si Rey Blanco na nagtatrabaho sa Power 102.1 DYRY RFM, isang radio station na kilala sa screen name na DJ Blanco.

Batay sa imbestigasyon, nagtungo ang biktima sa bahay ng suspek na kilala sa pangalang Charles Amada.

Nang biglang sumulpot ang suspek mula sa likuran at pinagsasaksak sa leeg si Blanco. Naisugod pa sa ospital ang biktima ngunit idineklara itong dead on arrival.

Kusa ring sumuko sa pulisya ang suspek. Habang iniimbestigahan ang motibo ng insidente.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here