27.3 C
Manila
Friday, October 7, 2022

Baguio: Provincial Road Lomon to Sagubo naayos na para madaanan ng magsasaka

- Advertisement -

Kapangan, Benguet – Magsasaka at mga residente na dumadaan at gumagamit ng Lomon Sagubo Provincial Road masaya na dahil naayos na. Dahil ang nasabing daan ay nasa ilalim na ng pagkukumpuni matapos magpalabas ng pondo ang pamahalaang lalawigan ng Benguet hangang sa matapos ito.

Visit RPN DZBS Baguio

Ayon kay Sagubo Punong Barangay Danny Eke, ang nasabing daanan ay parating naglalandslide o gumuguho at ito ay maaring magdulot ng peligro sa mga mamamayan doon lalong lalo na panahon ng tag ulan. Sinabi ni Benguet governor Melchor Diclas, na ang nasabing proyekto ay hiniling ng mga magsasaka at ng mga residente doon partikular na sa mga taga Barangay Gadang at Sagubo.

Samantala, nagpasalamat ang mga naninirahan doon dahil sa pinakinggan nila ang kanilang matagal na karaingan. Sinabi nila na hindi na sila mahihirapan sa pagdaan sa nasabing provincial road lalong lalo na sa pagbabayahe ng kanilang produktong pang agrikultura. (Joel Cervantes, photo courtesy of PIO Benguet LGU)

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -