Sunday, June 16, 2024

Davao: Pinakamahabang twin road tunnel sa Pilipinas

- Advertisement -

Binisita ng ilang operator ng Japan Expressway ang ginagawang Davao City Bypass Road Project na bahagi ng cooperation program ng Department of Public Works and Highways (DPWH) at Japan’s Ministry of Land, Infrastructure Transport and Tourism (MLIT) kung saan sila tinalakay ang kadalubhasaan sa pag-inhinyero at mga teknolohiyang ginagamit para sa pagtatayo, pagpapatakbo at pagpapanatili ng mga tunnel sa kalsada at mga expressway.

Bumisita kahapon, Oktubre 5, 2022 ang mga opisyal mula sa DPWH na sina Senior Undersecretary Emil K. Sasain; Assistant Secretary Constante A. Llanes Jr.; Project Directors Benjamin A. Bautista at Rodrigo I. Delos Reyes ng DPWH Unified Project Management Office (UPMO) Operations; at DPWH Region 11 OIC Assistant Director Joselito B. Caballero, kasama ang MLIT Deputy Director General Homare Kubota at Consul General ng Japan sa Davao, Ishikawa Yoshihisa at ang mga kinatawan ng anim (6) na Japanese expressway firms sa north portal ng tunnel project sa ilalim ng Contract Package 1-1 sa bypass road.

Kung ganap na makumpleto ang dalawang road mountain tunnel project, makikilala ito bilang pinakamahabang road tunnel sa Pilipinas na may haba na mahigit 2.3 kilometro.

Ang Davao City Bypass Road Project ay kasama sa malalaking infrastructure projects sa ilalim ng Build Build Build program ng dating administrasyon ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pinondohan sa ilalim ng Japan International Cooperation Agency (JICA), kung saan magsisimula ito sa Brgy. Sirawan, Toril hanggang Brgy. J. P. Laurel, Panabo City, Davao del Norte na inaasahang makatutulong sa pagresolba sa problema sa trapiko na magpapababa sa oras ng biyahe sa 49 minuto, mula 1 oras at 44 minuto.

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -