Saturday, June 22, 2024

Davao: Pagpatupad Ng “No Vaccine, No Transaction” Policy, Binawi Ng Chairman Ng Barangay Cabantian

- Advertisement -

Davao City – Binawi ni Barangay Cabantian Barangay Chairman Nilo Cabiles ang ginawa nitong polisiya na “No Vaccine, No  Transaction Policy” matapos itong umani ng maraming batikos mula sa mga netizens at sa kanilang mga  constituents.

Imbes sa “No Vaccine, No Transaction Policy” magpatupad na lang ito ng “No Vaccine, No Entry Policy “ sa kanilang barangay hall. Naglagay din ng designated transaction area sa labas ng barangay hall para sa mga kliyente na hindi pa bakunado kontra Covid-19.

Visit RPN DXKT Davao

Sa facebook page ng Barangay Cabantian ay humingi ng dispensa si Barangay Chairman Nilo Cabiles at tahasan niyang sinabi na binawi na niya ang nasabing polisiya.

“Ako po ay taos-pusong humihingi ng paumanhin sa aking naging desisyon at akin po itong binabawi. Ito po ay sa kagustuhan kong mapangalagaan at maproteksyunan ang karamihan sa ating mga ka barangay. Kung pagkakamali man ito, lubos akong humihingi ng paumanhin sa mga naapektuhan.” Ayon kay Brgy. Kapitan Cabiles sa  nasabing post.

Patuloy na magbibigay serbisyo ang Barangay Cabantian  sa mga residente  nito na  nangangailangan ng kanilang serbisyo.  Nanawagan  din ni Kapitan Cabiles sa mga  residente ng   Barangay Cabantian, Buhangin District  na magpabakuna na kontra Covid-19.

(Source: Barangay Cabantian Facebook Post)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -