Wednesday, May 1, 2024

Davao: Multicab, sumalpok sa nakaparadang trak nang makatulog umano ang drayber; isa patay, apat sugatan

- Advertisement -

Davao del Sur – Patay ang isang babae samantalang apat (4) ang sugatan sa nangyaring pagsalpok ng isang multicab sa nakaparadang elf alas-6 ng umaga kahapon, Enero 4, 2022 sa kahabaan ng National Highway, Brgy. Tuban, Sta. Cruz, Davao del Sur.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ng Police Regional Office XI ang mga biktima na sina Mark Anthony Tiao Pagmanua, 38 anyos, drayber ng Suzuki multicab at residente ng Baganga, Davao Oriental kung saan sakay sina Lida Cabatlao (nakaupo sa frontseat) na dineklarang dead on arrival sa ospital; Roberto A. Pagmanua, 62 anyos; Elena Tiao Pagmanua, 59 anyos na pawang mga residente ng Nicaan, Libungan, North Cotabato; Rowena Joy Pagmanua Alado, 36 anyos at isang Melvin Barrios Alado, 36 anyos na mga residente ng Kidapawan City.

Batay sa imbestigasyon ng Sta. Cruz Municipal Police Station, patungong South bound ang multicab sa lugar ng pinangyarihan kung saan sumalpok ito sa nakaparadang Isuzu Elf na minamaneho ni Arnold Herana Bobila, 54 anyos at residente ng Digos City.

Dagdag sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol ang drayber ng multicab sanhi ng nakatulog umano ito at nagresulta ng pagkabangga sa likuran ng nakaparadang trak sa kahabaan ng National Highway ng Tuban.

Agad na dinala sa Davao del Sur Provincial Hospital ang mga biktima subalit idineklarang dead on arrival ng attendijng physician si Lida Cabatlao.

Temporaryong nasa kustodiya na ng Sta. Cruz Police ang drayber ng Isuzu Elf habang ang mga biktima ay nananatili sa ospital para sa atensyong medikal.

(Source: PIO PRO XI)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img