Monday, June 17, 2024

Davao: Monitoring sweeper ng isang mining company sa Davao de Oro binaril, patay

- Advertisement -

Davao de Oro – Patay ang isang monitoring sweeper ng Multi Shield Security Agency sa ilalim ng APEX Mining Company sa Davao de Oro matapos binaril bandang alas-1 ng hapon kahapon, Disyembre 1, 2021 sa Purok 6, Tagbaros, Maco.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ni PMaj. Jefferson C. Masirag, OIC ng Maco Police Station ang biktima na si Joel Lauder, residente ng Purok Dahlia, Visayan Village, Tagum City.

Ayon kay PMaj. Masirag, naabutan na lamang na nakahandusay sa kalsada ang biktima, 100 metros ang layo mula sa Tagbaros Advance Post ng APEX Mining Company.

Dagdag pa ni PMaj. Masirag, batay sa pahayag ng mga saksi, ang kasama ng biktima na isa ring monitoring sweeper na si Jovani Locanias alyas ‘Robert’ ang bumaril sa biktima.

Na-recover sa crime scene ang siyam (9) na bala ng .45 caliber pistol.

Ayon sa pulisya, tinitignan nila ang personal na alitan bilang motibo sa pamamaril sa biktima.

Patuloy pang hinahanap ng mga awtoridad ang tumakas na suspek.

(Source: Maco PNP)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -