Tuesday, May 7, 2024

Davao: Mga Binahang Pamilya Sa Davao City Nakatanggap Ng Tulong Mula Kay Congressman Paolo “Pulong” Duterte

- Advertisement -

Davao City – Agad pinadalhan ng tulong ni Presidential son at 1st District Representative Paolo “Pulong” Duterte ang mga nabahaang pamilya sa Davao City noong Martes at Miyerkules.

Kahapon ng umaga ay pinuntahan ng staff ni Congressman Pulong Duterte ang mga barangay ng 2A, 5A, 8A, 9A at Barangay Maa para bigyan ng food packs na may lamang bigas, canned goods, gatas, tinapay, biscuits, at tubig.

Visit RPN DXKT Davao

Maliban sa mga nasabing barangay, apektado rin ang Jade Valley, Tigatto, Matina, at Bacaca kung saan siniguro rin ni Congressman Duterte na magpapadala siya ng tulong sa mga apektadong lugar.

Ayon sa City Social Welfare and Development Office (CSWDO), aabot sa 9,000 pamilya ang apektado ng baha.

(Source: Office of 1st Congressional District)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -spot_img