Wednesday, May 29, 2024

Davao: Lending Collector Arestado Sa Drug Buy-Bust Operation Sa Davao City

- Advertisement -

Davao City – Arestado ang isang lending collector sa nangyaring drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Mandug Police Station na pinangunahan ni PMaj. Robel B. Saavedra, Acting Station Commander kasama ang Regional Special Operation Group-Regional Police Drug Enforcement Unit (RSOG-RPDEU XI) sa pangunguna ni PLt. Louie Balmori sa ilalim ng pangangasiwa ni PLt. Col. Ronald L. Lao alas-8:30 kagabi, Nobyembre 23, 2021 sa Purok 3, New Matina, Davao City.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ni PLt. Balmori ang suspek na si Nell Garciano, 40 taong gulang, may asawa, kolektor ng GS-GCLI Lending Corp., at residente sa nasabing lugar.

Pinagbilhan ng poseur buyer ng kapulisan ang suspek ng tatlong (3) piraso ng plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu at isang (1) piraso ng five hundred peso bill (₱ 500.00) na may serial number EJ525344 bilang buy-bust marked money.

Ang mga nakumpiskang drug items ay tinatayang may timbang na humigit-kumulang 1.52 grams na may street market value na humigit-kumulang nineteen thousand pesos (Php 19 000.00), at isusumite ito sa Davao City Crime Laboratory Office XI, Ecoland, Davao City. Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Section 5 ng RA 9165.

Samantala, pinagtibay ni PMaj. Saavedra sa kanyang pahayag ang kanyang pangako na patuloy na magsagawa ng pro-active operations para mapuksa o mapigil ang pagbilis ng pagdami ng lahat ng uri ng aktibidad ng ilegal na droga sa kanyang AOR at maging sa lungsod mismo.

(Source: PS 13 Mandug Police Station)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -