30 C
Manila
Wednesday, April 24, 2024

Davao: Halos 52,000 Dabawenyos, nagbigay donasyon ng kanilang pahalipay gift packs para sa mga biktima ng bagyong Odette

- Advertisement -

Davao City – Matapos iminungkahi ng ilang Dabawenyo sa Pamahalaang Lungsod na sa halip na i-claim ang kanilang Pahalipay gift packs, maaari silang magkaroon ng opsyon na ibigay ang mga ito para sa mga biktima ng Bagyong Odette sa Visayas at ibang parte ng Mindanao, nagpadala ang City Government of Davao ng donasyon na food packs kahapon, Disyembre 29, 2021 sa ilang parte ng CARAGA Region.

Visit RPN DXKT Davao

Noong Disyembre 28, 2021, nakapagtala na ng 51,982 bilang ng Dabawenyos ang nagbigay ng kanilang Pahalipay gift packs bilang donasyon para sa mga biktima ng Bagyong Odette. At ang bilang na ito ay patuloy na tumataas.

Ang Pahalipay ay isang system feature ng SafeDavao QR Code (DQR) na nagpapadali ng pamamahagi ng gift packs sa lahat ng residente ng Davao City edad 18 anyos at pataas.

Kahapon, Miyerkules, Disyembre 29, mahigit 10,000 na gift packs ang dinala patungong Dinagat Islands.

Sa karagdagan, nasa 10,000 gift packs naman ang dinala patungong Siargao, Surigao del Norte.

At mahigit 5,000 relief packs naman ang patungong Cabadbaran City, Agusan del Norte.

(Source: City Government of Davao)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -