28.2 C
Manila
Saturday, April 20, 2024

Davao: Empleyado ng gobyerno, kasama sa tatlong naaresto sa drug buy-bust operation sa Davao city

- Advertisement -

Davao City – Arestado ang tatlong (3) indibidwal sa isinagawang drug buy-bust operation ng mga tauhan ng Talomo Police Station sa pangunguna ni PMaj. Sean Logronio alas-9:30 kagabi, Disyembre 23, 2021 sa Dumalag 2, Matina Aplaya, Davao City.

Visit RPN DXKT Davao

Kinilala ni PMaj. Logronio ang mga suspek na sina Sanny Haton alyas “Batuti”, isang construction worker at target ng nasabing operasyon, Ferdinand Magallanes na isang vendor at si Leonard Magallanes na isang empleyado ng gobyerno at residente ng nasabing lugar.

Ayon kay PMaj. Logronio, magkasabwat ang tatlong suspek sa pagbebenta ng shabu. Nakuha sa kanila ang ilang mga pakete ng shabu na nagkakahalaga ng ₱ 80 000.00. Nakuhanan din ng isang (1) .38 caliber revolver ang suspek na si Magallanes.

(Source: PIO DCPO)

- Advertisement -

Leave a Reply

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -