26.6 C
Manila
Wednesday, August 10, 2022

Davao: BFP Panabo, nagpadala ng personahe para tumulong sa clearing operation sa Caraga region matapos matamaan ng bagyong Odette ang rehiyon

- Advertisement -

Davao del Norte – Ang Bureau of Fire Protection Panabo City ay nagpadala ng personahe kasama ang siyam (9) na mga BFP Special Rescue Force sa Davao Region patungong CARAGA Region para tumulong sa clearing operation sa lugar matapos matamaan ng Bagyong Odette at nag-iwan ng matinding pinsala sa mga kalye at kabahayan.

Visit RPN DXKT Davao

Pinangunahan ni Fire Chief F/ Director Louie S. Parangan ang pagpapadala ng BFP Special Rescue Force kasama ni DCO CSupt. Wilberto Rico Neil A. Kwan Tiu at Regional Director XI CSupt. Sydney Besana na sinuportahan din ni City Fire Marshal CINSP Janeth M. Leguigan at ni DILG City Local Government Operations Officer Danilo M. Hernandez.

Bukod sa paglilinis sa lugar, nagdala rin ang grupo ng mga rescue equipment, foodpacks, tubig at mga damit para mga nasalanta ng bagyo.

(Source: City Government of Panabo | BFP Panabo)

- Advertisement -

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here

- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -

Latest Articles

- Advertisement -