Maaring makakuha ng libreng serbisyo at tulong mula sa pamahalaan ang mga residente ng Zamboanga City sa paglulunsad ng progranang ‘Handog ng Pangulo: Serbisyong Sapat Para sa Lahat’ na ginanap noong Lunes, Setyembre 14, simula alas 7:30 ng umaga sa Mayor Vitaliano D. Agan Colisseum sa Barangay Tetuan.
Isinasagawa nang sabay-sabay sa iba’t ibang rehiyon ng bansa, ang ‘Handog ng Pangulo: Serbiayong Sapat para sa Lahat’ ay isang pambansang inisyatiba ng pamahalaan na nagbubuklod sa iba’t ibang ahensya upang ilapit sa mga komunidad ang tulong at mga serbisyong direktang kinakailangan ng publiko. Bahagi rin ito ng pagdiriwang ng ika-69 na kaarawan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na ipinagdiriwang noong Linggo, Setyembre 13.
Ang pamahalaang lungsod sa pamumuno ni Mayor Khymer Olaso, katuwang ang Department of Health (DOH), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Social Welfare and Development (DSWD), at Deprtment of Education (DepEd), ang magsasagawa ng aktibidad sa Tetuan Coliseum. Kasabay nito ay magkakaroon din ng Job Fair sa KCC Mall de Zamboanga sa Gov. Camins na inorganisa ng Department of Labor and Employment (DOLE) katuwang ang Public Employment Service Office (PESO) at ang Department of Migrant Workers (DMW-9) na siya ring nagbigay ng tulong-pinansyal sa mga kwalipikadong OFW at nag-organisa ng overseas job fair. Tampok sa kaganapan ang seremonyal na pagturn-over ng mga wheelchair at baston mula sa DOH, pati na rin ang pamamahagi ng rice subsidy katuwang ang mga kapitan ng barangay.
Bukod sa pamamahagi ng bigas, maghahatid din ng iba’t ibang serbisyo ng pamahalaan, tulong-medikal, legal na tulong, at iba pang seebisyo publiko ang DOH-9 , City Social Welfare and Development Office (CSWDO), City Health Office (CHO), iba pang tanggapan ng lungsod, City Prosecutor’s Office, at PhilHealth, bukod sa iba pa.
Inilunsad din ng PhilHealth ang kanilang Yaman ng Kalusugan Program o YAKAP Program. (Algie Rojas)
Source: City Government of Zamboanga.
