ZAMBOANGA: PITONG INDIBIDWAL, ARESTADO SA BUY-BUST NG PDEA SULU; DRUG DEN SA PARANG, NASUGPO

    0
    4

     

    Isang pinagsamang operasyong buy-bust na pinangunahan ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Sulu Provincial Office ang nagresulta sa pag-aresto sa pitong individwal at pagbuwag sa isang drug den sa Barangay Guimba Lagasan, Parang, Sulu.

    Kabilang sa mga naaresto sina alyas Asis, 48; alyas Mads, 30; alyas Aldaser, 20; alyas Hidan, 25; alyas Muhaimin, 25; alyas Kabagiya, 38; at alyas Alan, 40.

    Nasamsam sa operasyon ang humigit-kumulang 11 gramo ng hinihinalang shabu, na may standard market value na 74,800.00 Pesos.

    Nakuha rin sa operasyon ang isang improvised na timbangan, 13 piraso ng pinag-rolyong foil, tatlong improvised na lighter, mga plastic sachet, isang cellphone, isang sling bag, at iba pang mga gamit.

    Isinagawa ang operasyon ng PDEA Sulu Provincial Office, katuwang ang PNP Sulu Provincial Police Office Provincial Intelligence Unit, Parang Municipal Police Station, 1st and 2nd Provincial Mobile Force Companies, Regional Intelligence Unit IX, Regional 9B, National Intelligence Coordinating Agency, at 411th Infantry Battalion.

    Inihahanda na ang mga kaukulang kaso para sa paglabag sa Sections 5,6,7,11 at 12 ng Republic Act No. 9165, o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, upang maisampa sa tamang hukuman. (Algie Rojas)

    Source: PDEA RO IX

    Leave a Reply