ZAMBOANGA: INABOT NG TULONG- PINANSYAL ANG CITY SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT OFFICE-OFFICE FOR SENIOR CITIZENS AFFAIRS (CSWDO- OSCA) ANG MGA SENIOR CITIZENS NA NASA EDAD 70 PATAAS SA BARANGAY TUMAGA

    0
    3

    May kabuuang 48 senior citizen na nasa edad 70 pataas ang tumanggap ng tig-5,000.00 Pesos na tulong-pinansyal sa isinagawang pamamahagi noong Martes, Setyembre 15, sa Tumaga Elderly Center sa Barangay Tumaga.

    Pinangasiwaan ng City Social Welfare and Development Office-Office for Senior Citizens Affairs (CSWDO-OSCA) ang pamamahagi sa pamamagitan ng personal na pag-abot ng tulong at pagbisita sa mga tahanan ng mga benepisyaryong hindi na makabangon sa kama (bedridden) o may mataas na panganib sa kalusugan (high-risk) na hindi nakadalo nang personal.

    Ipinagkaloob ang tulong-pinansyal alinsunod sa City Ordinance No. 609, na kilala rin bilang Septuagenarian Benefit Ordinance ng Zamboanga City. (Algie Rojas)

    Source: City Government of Zamboanga.

    Leave a Reply