Isang 28 taong gulang na lalaki ang nasawi matapos itong pagbabarilin ng dalawang hindi pa nakikilalang mga suspek na (riding-in-tandem) noong madaling araw ng Miyerkules Setyembre 16, sa loob ng isang motel sa Sampaguita Road Barangay Tumaga Zamboanga City.
Kinilala ang biktima na si Jonel Bernardo 28 taong gulang residente ng Cabato Road, Barangay Tetuan Zamboanga City. Base sa imbestigasyon ng mga awtoridad pumasok ang dalawang suspek sa naturang motel at agad na pinagbabaril si Jonel at agad na tumakas ang mga salarin sakay ng kanilang motorsiklo patungo sa hindi malamang direksyon. Nagtamo ito ng mga tama ng baril sa kanyang katawan ang biktima resulta ng kanyang agarang pagkamatay.
Hanggang ngayon patuloy parin ang isinasagawang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga salarin at kung ano ang motibo sa naturang krimen. (Algie Rojas)
Source: ZCPO
