COVID-19 death toll sa China lumobo na sa halos 2,700

COVID-19 death toll sa China lumobo na sa halos 2,700

by Powered by DWIZ
117 views

Sumampa na sa halos 2,700 ang death toll sa China dahil sa 2019 coronavirus disease (COVID-19).

Nadagdag ang 71 nasawi sa China sa nakalipas na magdamag kaya’t pumalo na sa 2,663 ang death toll.

Tatlumpu’t anim (36) naman ang nasawi sa iba’t ibang panig ng mundo tulad sa Iran – 12; South Korea – walo, Italy – pito, Japan – apat, kung saan ang tatlo ay mula sa MV Diamond Princess; Hong Kong – dalawa; at tig-isa sa Taiwan, Pilipinas at France.

Umaabot na sa mahigit 80,000 ang kabuuang bilang ng mga naitalang kaso ng COVID-19 at mahigit 77,000 rito ay mula sa China.

Sa South Korea, umakyat na sa 833 ang bilang ng kaso ng COVID-19 –691 na ang kaso sa Diamond Princess, 299 sa Italy at 159 sa Japan.

Sa nakalipas ding magdamag, nakapagtala ng 18 panibagong kaso sa Amerika na pawang mga inilikas na pasahero mula sa Diamond Princess kaya’t umakyat sa 53 ang kaso ng COVID-19 sa Estados Unidos.

0 comment

Related Posts