Duterte umapela na isantabi muna ang ‘political differences’ ngayong 2020 EDSA anniversary

Duterte umapela na isantabi muna ang ‘political differences’ ngayong 2020 EDSA anniversary

by Powered by DWIZ
69 views

Umaapela ang Pangulong Rodrigo Duterte sa publiko na isantabi na muna ang political differences o magkakaibang paniniwala sa mundo ng pulitika.

Bahagi ito ng mensahe ng Pangulong Duterte sa paggunita sa ika-34 na anibersaryo ng EDSA People Power Revolution ngayong Martes, ika-25 ng Pebrero.

Sinabi ng pangulo na kapag naisantabi ang political differences, matitiyak ng bawat Pilipino na maipagpapatuloy ang legacy at kahalagahan ng EDSA People Power Revolution sa mga susunod pang taon.

Nakikiisa ang pangulo sa mga bayani at daan-daan kataong naglakas loob na magsagawa ng mapayapa at hindi marahas na pag-aaklas laban sa gobyerno.

Tiwala ang pangulo na ipagpapatuloy ng mga susunod na henerasyon na pangalagaan ang kabayanihan at kalayaan na ipinaglaban noon ng mga Pilipino sa pamamagitan ng makasaysayang rebolusyon.

0 comment

Related Posts