- Advertisement -
Mas lalo pang paiigtingin ng pamahalaan ang isinasagawa nitong contact tracing bilang bahagi ng giyera kontra coronavirus disease 2019 (COVID-19).
Ayon kay Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Eduardo Año, ito ay sa pamamagitan ng pag-dagdag ng mga contact tracers sa bansa.
Sinabi ni Año, sa ngayon kasi ay nasa 4, 818 pa lamang ang contact tracing teams sa bansa o katumbas ng nasa 65,000 mga contact tracers.
Sinabi ni Año, nasa 80,000 contact tracers ang kailangan ng bansa upang mas maging mabilis ang pagtukoy sa mga posibleng nahawaan ng COVID-19, at sa mga nakasalamuha ng mga nagpositibo sa sakit ngunit hinihintay pa nila ang budget para rito.
- Advertisement -