Friday, May 17, 2024

Pangulong Duterte malabong magpatawag ng special session para sa Bayanihan 2 — Roque

- Advertisement -

Malabong magpatawag ng special session si Pangulong Rodrigo Duterte para maipasa ang coronavirus disease 2019 (COVID-19) recovery program ng pamahalaan o ang Bayanihan 2.

Ayon kay Presidential Spokesman Atty. Harry Roque, tatalakayin na kasi ang naturang panukala sa pagbabalik sesyon ng Kongreso.

Sinabi ni Roque, dalawang linggo na lamang kasi at magbabalik sesyon na ang kongreso kaya’t tiwala ang sangay ng ehekutibo na matatalakay rin ito lalo pa’t kailangan ito ng bansa.

Matatandaang nabigo ang Kongreso na maihabol ang pag apruba sa Bayanihan 2 matapos nitong mag-adjourn noong nakaraang buwan.

Ito ay makaraang hindi sertipikahan bilang urgent bill ni Pang. Duterte ang Bayanihan 2 na gagamitin sana para sa patuloy na pagtugon sa epekto ng COVID-19 sa Pilipinas.

- Advertisement -
- Advertisement -

Related Articles

- Advertisement -
- Advertisement -spot_img

Latest Articles

- Advertisement -